Gabriel Lorenzo;16;Filipino;Basketball
   

<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Tuesday, June 20, 2006
Trabaho hahaha

may part-time job na ako sa mcdonalds haha ngayon ako magsisimula...pero 3 hours lang muna, ewan ko kung bakit? baka training ulit? basta alam ko paid ata yun. mga $7.50 per hour yung sweldo. ang baba pero ayos lang at least may pang gastos sa buhay. so tapos na school namin kahapon (June 19, 2006) ang dali lang ng exam pero ang haba. this summer mag wowork lang ako sa mcdo from sunday to wednesday, tapos thursday to saturday free time ko. sa July 3-25 may summer school ako. itutuloy ko lang yung math ko kasi di ko natapos yung 5 learning guides. busy ako e. sa summer work-out na lang ako sa gym at basketball para ready na next time =) basta yun lang summer ko sana punta kami states kaso hindi tuloy e =( talo yung edmonton oilers sa stanley cup finals (NHL)- game 7. sayang kung nanalo sila ang saya na sana ng mga tao dito. pero nakatutok talaga ako sa NBA finals. 3-2 na miami leading! sana manalo din sila nakaka awa din si Gary Payton e hehehe wala pang champion! sige dito na lang muna, sa lahat ng mga taga zobel na nagbabasa nito, enjoy niyo yung 06-07 school year! miss ko na kayo lalo na yung batch ko! mga seniors na kayo! sige i love you all ingat <3

Posted at 14:13 by JeroQuimel
Mag reklamo dito  

Saturday, March 11, 2006
wala lang

wala magawa.....update lang....

Posted at 22:38 by JeroQuimel
Mag reklamo dito  

Monday, January 23, 2006
mga pangyayari last week

Birthday ko nung Jan. 21.... 17 na ako. parang gusto ko nga 16 na lang ako palagi e...haha pero di rin ako maka hintay maging 18 kasi....alam niyo na Big Smile

basta nung friday the day before ng b-day ko lumabas kami ng mga kaibigan kong pinoy..una tambay muna sa apartment ko. nanood ng NBA Dunks part 2 sa DVD habang kumakain ng popcorn at japanese noodles! tapos umalis na kami pumunta kami sa Kingsway nag withdraw lang ako ng pera. tapos pumunta na kami sa Grant McEwan kung saan ako nag wowork out at nag babasketball at swimming. nag swimming kami. may mini basketball court doon sa mababaw na parte ng swimming pool. nag saya talaga kami! nag laro kami ng game tapos ang sarap mag dunk! ang sakit nga ng isang daliri ko e dumugo nung isang dunk ko kasi ang lakas pero tumama lang sa rim yung mga daliri ko. ang sakit talaga sa una!!!  tapos nag jacuzzi pa kami pagkatapos.. tapos nag sauna.. pagkatapos nun mag babasketball sana kami (sa totoong court na) kaso nga lang may practice yung mga college ballers..nakaka bad3p pero kumain na lang kami sa Denny's (parang TGI Fridays) sarap kain namin tapos uwi na kami. bale yun na yung celebration ko nung friday. sana inuman kaso nga lang ayaw ko wag muna hindi muna ito yung tamang panahon. so the next night nanood kami ng family ko ng Manny Paquiao Vs. Erik Morales sa PPV. grabe nung na KO ni Pacman si Morales talagang sobrang saya namin napatalon pa kami ng pamilya ko haha pati yung dalawang kaibigan ng Dad ko. tapos nung sunday nag swimming ulit ako sa McEwan ako lang mag isa pagkatapos ko mag Gym.  tapos si KOBE BRYANT nag score ng 81 POINTS! ang lupet. 2nd highest sa NBA history. so yun na lang kwento ko.. .nakatikim na rin pala ako ng Vodka sa wakas. meron dito sa ref namin e. ininom ko isang shot nung lumabas ako sa Apt. para mag tapon ng basura  sige yun lang........bye


Posted at 18:08 by JeroQuimel
Mag reklamo dito  

Sunday, January 01, 2006
Happy New Year

oy mga kids Happy New Year... 3:12 na ng madaling araw dito...gising pa din...new years resolution ko? gagawa na ako ng homework ng seryoso at matagal, at matutulog na ako ng maaga...so 2006 na...excited na ako sa Febuary kasi babalik na si Amare Stoudemire! Phoenix Suns talaga ako since 2003 pa..nung nandun pa si Stephon Marbury...tapos yung all-star game pa pala....yung WWE pupunta sa Pilipinas!! swerte..last year pumunta kami ng family ko sa isang WWE show dito kaso nga lang hindi live, parang exhibition lang...sa Pilipinas live talaga...hindi ako makapag hintay manuod sa TV...malapit na pasukan! next week na! hassle. pero medyo miss ko na din school kasi yung mga tao miss ko na din. nung last day of school namin masaya..lumabas kami ng mga kaibigan ko sa west ed...pasyal lang kami...kain tapos ikot tambay tapos laro billiards tapos sightseeing sa mga chicks hehe tapos laro CS!!...grabe long time na! sige bye na antok na ako..


Posted at 03:12 by JeroQuimel
Mag reklamo dito  

Wednesday, December 21, 2005
Merry Christmas (4 days pa!)

oy malapit na pasko! may away kahapon sa school. yung kaibigan ko nagalit sa isang tao. hinamon niya ng suntukan sa labas. pumunta kami. tapos yung kaibigan kong vietnamese nakeke-alam (hindi siya kasali sa away sumisingit lang!!!!). nagpapatawa (laf3p tlaga yun!) tapos sabi ng spanish "hey stay away this is not your business"...nagalit yung vietnamese sasapakin na niya sana yung spanish kaso umilag..tapos yung kaibigan ng spanish nagalit sa viet. sinakal niya yung viet!! tapos nagkagulo. inawat namin sila. lumayo yung vietnamese pero biglang bumalik!! haha medyo natawa ako kasi sumusugod siya gamit yung sinturon niya!! pero bute paalis na din yung spanish kaya natigil yung away. anyway after nun umuwi ako, pumunta ako sa mall, nakakita nanaman ako ng hottie sa mall, kumain sa new york fries, tapos bumili ng magazine, tapos uwi gawa homework.. ang sarap talaga mag basketball. everytime pag nakakakita ako ng open na court talagang gusto ko maghawak ng bola at mag laro. nakaka layup na ako ng kaliwa sa wakas!!!!may PSP na kami hehe ang saya.  astig nag pay-off yung pag wowork-out ko sa gym. nakikita ko na yung biceps ko dumedevelop na! asitg pati yung braso ko parang bumatak ng konti tapos yung likod medyo....pero ang gusto ko talaga ayusin yung punyetang ABS!!!! imbes na ABS yung nasa tiyan ko, FLABS!


Posted at 21:14 by JeroQuimel
Mag reklamo dito  

Next Page